-- Advertisements --

Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang karumal dumal na pamamaril kay Dr. Sonatria D. Gaspar, ang assistant schools division superintendent ng Sulu.

Nanawagan ang ahensya ng mabilis na hustisya laban sa mga responsable sa krimen.

Si Gaspar ay isang dedikadong education official ayon sa ahensya.

Ito rin ay nagbigay ng inspirasyon sa libu-libong mga mag-aaral at hindi mabilang na mga kasamahan.

Kaugnay nito ay muling pinagtibay ng DepEd ang kanilang pangako na tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng mga tagapagturo sa buong bansa.

Ipinahayag ng DepEd na nakikipag-ugnayan sila sa pamilya at mga kasamahan ni Gaspar para magbigay ng tulong.

Dahil dito, nangako ang DepEd na patuloy na makikipagtulungan sa Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) upang mapaunlad ang mapayapang kapaligiran sa pag-aaral sa re