Kumambiyo muna ang Department of Education (DepEd) muna sa pagbibigay ng posisyon kaugnay sa taas sahod ng mga guro habang nakabinbin pa ang pag-aaral na kinomisyon ng World Bank noong nakalipas na taon.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, kanilang ipipresenta ang resulta ng pag-aaral ng World Bank sa deliberasyon ng Mababang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa inihaing House Bill 9920.
Ang ginagawang pag-aaral kasi ng WB ay naglalayong sagutin kung mayroong pangangailangan na taasan ang sahod ng mga guro at kung magkano ang itataas nito.
Ang pahayag na ito ng DepEd ay kasunod na rin ng ilang serye ng mga panawagan sa Kongreso at paaralan para sa taas sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, isang panukala na matagal ng ipinapanawagan na muling binuhay ng mga mambabatas at grupo ng mga guro para tulungan ang mga ito na makarekober mula sa inflation.
Maaalala na muling inihain ng mga mambabatas ng Makabayan bloc noong Martes ang panukalang batas na nagsusulong na itaas ng halos doble ang sahod ng entry-level na public school teachers sa P50,000, ang living wage amount na sapat para matustusan ang tumataas na presyo ng mga bilihin gayundin isinusulong ng panukala ang distortion ng sahod ng military personnel sa kasagsagan noon ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.