-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Education (DEPED) na maglagay ng mga Mental Health at well-being offices sa mga paaralan.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, na mayroon na itong pinirmahan na implementing rules and regulations ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.
Layon ng nasabing panukalang batas ay para magkaroon ng improvements sa mental health facilities at serbisyo sa mga paaralan sa buong bansa.
Pangungunahan ito ng mga school division counselor kung saan ipa-prioridad ang well-being at makalikha ng magandang learning environment.
Magtatayo din ang DepEd ng mga care centers at titiyakin nila na mayroong isang counselor kada paaralan.