-- Advertisements --
MASBATE NPA ATTACK

Mariing kinokondena ng Department of Education (DepEd) ang nakakaalarmang aktibidad ng mga rebeldeng komunista sa Masbate, na nagdudulot ng pagkagambala sa pag-aaral sa probinsya.

Ang mga gawain aniyang ito ng terorismo na gawa ng New People’s Army (NPA) ay nagdulot ng trauma sa mga mag-aaral at mga tauhan ng paaralan na nakasaksi sa karahasan.

Samantala, inatasan ang Deped Regional Office V at SDO Masbate na tiyakin ang tuloy-tuloy na pag-aaral.
Dahil dito, wala aniyang magaganap na blanket suspension ng klase. Ang pagsuspinde ng mga klase at agarang paglipat sa blended learning ay dapat ipaubaya sa pagpapasya ng mga pinuno/punong-guro ng paaralan, sa nararapat na assessment at maayos na koordinasyon sa kinauukulang LGU.

Ang Bise Presidente at Education Secretary na si Sara Duterte at ang Army Division Commander ay bukas ang linya sa pakikipag-komunikasyon at nangako ang Army Division Commander na poprotektahan ang mga tauhan ng paaralan at mga mag-aaral sa apektadong lugar.

Samantala, nagpahayag naman si Vice President Duterte at ang kagawaran ng Philippine Army ng kanilang intensyon na bisitahin ang mga apektadong lugar sa Masbate.