LEGAZPI CITY – Bumuo na ng istratehiya ang Department of Education (DepEd) Bicol upang mas mahikayat ang mga atleta sa paglalaro at makakuha ng medalya para sa Palarong Pambansa 2019.
Ayon kay DepEd Bicol Director Gilbert Sadsad sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malaking tulong ang ibinigay ng mga Bicolano na nakikilahok sa aktibidad na inilunsad ng ahensya upang makalikom ng pondo para sa cash incentives ng medalists.
Ayon kay Sadsad, may nakahanda nang cash incentive upang makapag-uwi ng bronze, silver at gold medal mula sa 400 na atletang ipinadala.
Nasa P20,000 naman ang matatanggap ng makakapag uwi ng gintong medalya.
Maliban dito, bibigyan araw-araw ng cash incentive na P50 ang bawat atleta para sa group games, at P100 para sa singles at doubles kung mananalo hanggang sa Finals.
Sa ganitong paraan ay mas mahihikayat aniya ang mga ito na pagbutihin at manalo sa mga events.