Pormal nang pinirmahan ni Department of Education Sec. Sonny Angara ang DepEd Memorandum No.49 series of 2024.
Layon ng kautusang ito na madaliin ang pagbili sa mga textbook at learning tools na siyang gagamitin ng mga mga-aaral at guro sa taong 2025.
Ayon kay Sec. Angara, ang mga kagamitang ito ay may malaking kontribusyun sa kalinangan ng mga mag-aaral at sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas.
Bukod dito ay makatutulong rin ito upang maihatid ng mabilis at napapanahon ang mga kagamitan ng mga guro at mag-aaral sa mga malalayong lugar.
Samantala , sa kabila ng pagpapabilis sa proseso nito, sinabi ng ahensya na dadaan pa rin ito sa tamang proseso.
Iniulat naman ng ahensya na sa Oktubre 2024 , sisimulan na ang bidding para sa naturang mga kagamitan.