Iminungkahi ng Department of Education (DepEd) na maaaring magsilbing tutor sa mga estudyante ang mga displaced teachers.
Sa isang panayam, sinabi ni DepEd Usec. Jesus Mateo na nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa mga local government units tungkol sa nasabing paksa.
“Sa kasalukuyan nakikipag-usap nga tayo sa mga lokal na pamahalaan na kung pupuwede ay i-hire sila (teachers) as tutors natin,” ani Mateo.
“Kung ang sagot po ay walang adult na makakaya na mag-supervise dito, that’s where the tutors come in po,” dagdag pa nito.
Base sa Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA), nasa 400 private schools na rin ang nagsara bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic sa enrollment.
Sa datos naman ng DepEd, sa 21.3-milyon na nag-enroll ngayong school year ay 200,000 hanggang 250,000 ang lumipat sa public mula sa pribadong paaralan.