-- Advertisements --

Suportado ng Department of Education (DepEd) ang pagbibigay ng proteksyon sa mga kabataan laban sa anumang uri ng physical o mental violennce, neglect o negligence treatment, maltreatment at exploitation, kasama na rito ang sexual abuse.

Ayon sa kagawaran, bilang isang institusyon ay nakatuon ang pansin nito sa kapakanan ng mga estudyante at kabataan.

Naalarma raw kasi ang DepEd sa naglabasang ulat hinggil sa pagdami ng kaso ng online sexual abuse at exploitation sa mga bata ngayong may pandemic.

Mayroon daw kasing grupo sa social media partikular ang Philippine Online Student Tambayan (POST), na isang news portal para sa mga student sector.

Ginagamit daw ng mga estudyante ang #AlterPH, #AlterPinay at #AlterPhilippines sa Twitter para ibenta ang kanilang larawan at mga videos.

Noong Disyembre, mayroon daw tinatawag na Christmas bundle na naglalaman ng photos at videos na nakikita pa ang mukha ng mga estudyante at naibebenta sa halagang P150.

Una nang hinikayat ng isang mambabatas ang cybewrcrime office ng Department of Justice (DOJ) at PNP Anti-Cybercrime Group na patatagin pa ang pagsisiyasat at paghahanap ng mga ito sa umano’y nagaganap na “sale.”

Dagdag pa ng DepEd na dahil sa pagdami ng kaso ng child exploitation at abuse ay mas kinakailangan ngayon ng mas maayos na collaboration at kooperasyon sa mga national agencies at local communities.

Hindi rin aniya dapat hayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na ma-expose sa mga ganitong gawain.

Hinihikayat din ng DepEd ang lahat ng public at private elementary at secondary schools na patatagin ang kanilang Child Protection Committees (CPC).