-- Advertisements --

Nabawi ng Department of Education (DepEd) ang P65 milyon mula sa mga pribadong paaralang may iregularidad sa kanilang SHS Voucher Program (SHS-VP) claims para sa SY 2021-2022 at 2022-2023.

Sa 54 paaralang tinanggal sa programa, 38 na ang ganap na nag-refund, dalawa ang may partial refund, habang 14 pa ang padadalhan ng final demand letters. Patuloy na iniimbestigahan kung may kaso ng pandaraya.

Para sa SY 2023-2024, 12 paaralan ang iniimbestigahan ng DepEd, habang tatlo ang nai-forward na sa NBI.

Simula SY 2024-2025, mas pinatibay ng DepEd at Private Education Assistance Committee (PEAC), ang oversight measures tulad ng 100% system audit at random field visits upang maiwasan ang mga iregularidad.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, pinalalakas pa nila ang validation processes at pananagutin ang mga lumalabag upang maibalik ang tiwala sa SHS Voucher Program.