Nag-organisa ang Department of Education (DepEd) ng national summit para sa mga implementing school para makalap ang updates kaugnay sa pilot implementation ng nirepasong curriculum para sa Kindergarten to Grade 10 o MATATAG Curriculum.
Ginanap ang National Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa lungsod ng Pasay.
Pinangunahan ito ni VIce President at Education Secretary Sara Duterte kung saan kabilang sa participants sa national summit ang 35 pilot schools mula sa 7 rehiyon at dinaluhan rin ng iba pang guests.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Teaching Gina Gonong, magpipitong buwan na mula ng sinimulan ang pilot implementation ng MATATAG curriculum. Sinabi din nito na ang summit na isinagawa ngayong araw ay patungkol sa pagbabahagi hindi lamang ng mga hamong kinaharap kundi maging ang best practices ng mga pilot school upang may matutunan at maibahagi sa iba pang paaralan.
Ang naturang summit din aniya ay isang lugar para sa pagbabahagi ng expertise.
Sa parte naman ni VP Sara, kaniyang binigyang diin ang pangangailangan para sa kooperasyon at kolaborasyon para sa matagumpay na phased implementation ng MATATAG curriculum simula sa school year 2024-2025.