Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na bumuo na sila ng technical working group para ihanda ang mga guro at estudyante na lalahok sa isang international learning assessment.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, lalahok ang bansa sa susunod na Programme for International Student Assessment (PISA), na gaganapin sa 2022.
Bagama’t kumpiyansa ang kagawaran na mas maganda ang ipakikita ng mga estudyante sa susunod na assessment, marami pa raw silang kailangang gawin.
“Our decision is to continue participating in PISA. Now we have the benchmark of the 2018 PISA results and we want to see whether our interventions are working,” wika ni Malaluan.
“We have created a technical working group for international large-scale assessments. These have been meeting consistently,” dagdag nito.
Kung maaalala, noong 2018 PISA ay nangulelat sa reading comprehension o pag-intindi sa binabasa ang mga Pilipinong mag-aaral mula sa 79 na bansang kumuha nito.
Bagsak din ang Pilipinas sa Mathematics at Science, na pumangalawa sa nakakuha ng pinakamababang ranggo.