Naglabas na ang Department of Education (DepEd) ng guidelines para sa pagsasagawa ng mga aktibidad para sa Academic Year 2024-2025.
Sa ilalim ng Department Order 009 series of 2024, opisyal na magbubukas ang school year sa Hulyo 29 at magtatapos sa Abril 15.
Mananatili pa rin ang in-person learning bilang pangunahing paraan ng pagtuturo.
- Education Secretary Angara kumpiyansa tataas ang sweldo ng mga guro sa ilalim ng Marcos admin
- Mga executive committee ng DepEd, punulong ni DepEd Sec. Sonny Angara sa unang araw ng kanyang panunungkulan
Subalit maaari pa ring ipatupad ang blended learning kapag nagdeklara ng suspensiyon o kanselasyon ng mga klase dahil sa kalamidad at emergencies para matiyak ang kaligtsan ng mga mag-aaral, mga guro at non-teaching personnel.
Sa ganitong pagkakataon, dapat na magbigay ng home learning task ang mga guro sa mga estudyante na akma sa pangangailangan ng mga mag-aaral at sitwasyon sa kanilang lugar.
Gayundin maaaring ipatupad ang full distance learning dahil nananatiling epektibo ang Department Order 44 series of 2022.
Itinakda naman ng DepEd ang Brigada Eskwela o taunang school maintenance activities sa Hulyo 22 hanggang 27 habang ang Oplan Balik Eskwela naman ay mula July 22 hanggang August 2, 2024.
Samantala, itinakda naman ang midyear school break sa November 25 hanggang 29 habang ang Christmas break ay magsisimula sa December 21, 2024.
Magpapatuloy ang mga klase sa January 2, 2025.
Isasagawa naman ang End-of-School-Year rites will mula April 14 hanggang 15, 2025.
Para naman sa Private schools, state/local universities and colleges (SUCs/LUCs), maaari nilang i-adopt ang naturang guidelines sa school calendar at dapat na sundin ang mga probisyong nakapaloob sa RA 11480 may kinalaman sa required number ng araw ng klas3 at pagbubukas ng School year.