-- Advertisements --

Naglatag ng guidelines ang Department of Education (DepEd) para sa pagsasagawa ng in-person na end-of-school-year (EOSY) rites para na rin sa kaligtasan ng mga dadalong guro, mag-aaral at mga magulang.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, papayagan ang pagsasagawa ng limited physical ceremonies sa mga paaralang nasa lugar na nakalagay sa Alert level 1 at 2.

Subalit dapat na tiyakin ng mga paaralan na ang guidelines na itiniakda ng DepEd ay striktong maobserbahan at masunod sa kasagsagan ng EOSY rites.

Una, dapat na nakasuot ng face mask ang lahat ng dadalo sa buong event at mayroong isang metrong distansiya ang bawat indibdiwal.

Ang mga paticipants ay dapat na umupo lamang sa kanilang assigned seats at ipinagbabawal naman ang pakikipagkamay o iba pang uri ng physical contact.

Isang magulang lang o guardian ang pianpahintulutan para samahan ang isang mag-aaral para sa graduation.

Ayon sa DepEd official, kaialbngan na mayroong parental consent para sa mga mag-aaral na dadalo sa face to face graduation ceremony.

Samantala, ang mga paaralang hindi naman makakapagsagawa ng in-person end of school year ay papayagang mag-broadcast live ng virtual graduation rites sa pamamagitan ng isang angkop na social media platform.

Sa kabilang dako, hindi naman papayagan ang mga paaralang nasa lugar na nakalgay sa Alert level 3,4 at 5 subalit maaari namang magsagawa ng virtual graduation rites.

Paaalala ng DepEd, na tanging ang mga mag-aaral, kanilangh guardians o magulang, mga guro, school officials at guests ang papayagang dumalo sa virtual rites.

Ang end of school year para sa 2021-2022 ay isasagawa sa June 24.

Maaari namang magsagawa ng EOSY rites para sa Kindergarten, Grades 6, 10, 12, at mga mag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) mula June 27 hanggang July 2.