-- Advertisements --
Naglunsad ang Department of Education (DepEd) ng Education Center for AI Research (E-CAIR) na naglalayong itaguyod ang pagbabago sa edukasyong Pilipino sa pamamagitan ng mga solusyong pinapagana ng artificial intelligence (AI).
Ang E-CAIR ay tututok sa pagpapasigla ng pangunahing edukasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tools na pinapagana ng AI.
Makikipagtulungan ito sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at stakeholders sa industriya upang makapaghatid ng mga solusyong AI na magbabago sa sektor ng edukasyon.
Ang E-CAIR ay bahagi ng mas malawak na digital transformation ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at naglalayon na gawing AI education hub ang Pilipinas sa Southeast Asia.