Nagpaalala ang Kagawaran ng Edukasyon ukol sa nakatakdang pagsasara ng enrollment bukas, Agosto 26, para sa SY 2023-2024.
Ayon sa pamunuan, kailangan nang humabol ng mga magulang na ipa-enrol ang kanilang mga anak upang mapabilang ang mga ito sa susunod na school year na nakatakdang magbukas sa Agosto-29.
Binigyang diin ng Kagawaran na ang maaagang pagtatapos ng enrollment ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kaguruan na maghanda para sa panibagong school calendar.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 20,093,611 ang bilang ng mga nakapagrehistrong mag-aaral sa buong bansa, para sa susunod na school year.
Nangunguna ang region 4A na may pinakamaraming enrolles na may kabuuang 3.2million enrollees.
Pangalawa naman sa may pinakamaraming enrollees ang NCR na mayroong 2.4million habang pangatlo ang Central Luzon na may 2.1million.
Apat na araw bago ang opisyal na pagsisimula ng pasukan, una nang itinaas sa heightened alert sa ibat ibang mga ahensiya ng pamahalaan, kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga mag-aaral.
Kinabibilangan ito ng DOTR, PCG, DILG, at iba pang ahensiya.