-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Education (DEPED) ang mga public schools na iwasan ang maging partisan sa pulitika.
Pinagbabawalan din nila ng mga ito na mag-imbita ng mga pulitiko tuwing graduation at moving up ceremonies.
Nakasaad sa Memorandum 27 na pirmado ni DepEd Secretary Sonny Angara, na ang mga opisyal ng DepEd, teaching at non-teaching personnel ay pinagbabawalan na makisawsaw sa mga anumang election activities o political activity para sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.
Ang sinuman aniya na lalabag ay haharap sa kaparursahan.
Ipinaalala nila na ang mga gastusin sa mga gradution at moving up rites ay dapat ay isingil sa operating expenses ng paaralan at hindi ito kinokolekta sa mga mag-aaral.