LEGAZPI CITY- Nagbigay ng paliwanag ang Department of Education (DepEd) sa umano’y kwestiyonableng pagbili ng nasa tatlong milyon na libro mula noong taong 2014 na hindi naman naibigay sa mga estudyante.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DepEd Bicol Director Gilbert Sadsad, wala umanong dapat na ikabahala ang publiko sa mga ”unused books” na nagsisilbing buffer stock o pamalit sa mga nasisira na na libro sa mga panahon ng kalamidad.
Inihalimbawa ni Director Sadsad ang nangyari sa Camarines Sur sa kasagsagan ng bagyong Usman kung saan maraming mga libro ang nasira at hindi na napakinabangan pa subalit mabilis na napalitan ng ahensya dahil sa buffer stock.
Una nang kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang sobra-sobrang pagbili ng aklat ng DepEd na naka-stock lang at hindi naman napapakinabangan sa loob ng mahabang mga taon.