-- Advertisements --

Pinuri ng Department of Education (DepEd) si Pangulong Rodrigo Duterte at mga mambabatas matapos maatas ang budget para sa teaching at connectivity allowance na aagapay sa mga guro sa pampublikong paaralan at mga estudyante sa gitna ng pandemya.

Batay kasi sa General Appropriations Act (GAA) para sa 2021 na nilagdaan ng Pangulong Duterte, nakatanggap ang DepEd ng budget allocation para taasan sa P5,000 ang teaching supplies at communication allowance ng mga guro mula sa dating P3,500.

Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na malaking tulong ito para sa mga guro na apektado rin ng health crisis.

“We would like to thank the President, our senators, and representatives for backing our request to increase teachers’ allowance. This is timely support for the education sector and to our teachers in these difficult times,” ani Briones. “With this positive development, we believe that our lawmakers will continue to support our initiatives for the welfare of our teachers and learners and the improvement of education in the country.”

Sa hiwalay namang mensahe, kinilala ni Pangulong Duterte ang mga hakbang ng DepEd upang maipatupad ang distance learning sa harap ng kani-kabilang mga pagsubok.

I commend the invaluable efforts of the DepEd in fulfilling its mandate amidst the current public health emergency by continually providing quality education to our learners through alternative learning modules and modalities. I admire our teachers, coordinators, and facilitators in their relentless efforts and sacrifices to adjust to the new learning set-up,” saad ng pangulo.