Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na ang blended learning ay ipinatutupad na sa ilang paaralan upang tugunan ang mga alalahanin ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang hinggil sa pagsasagawa ng in-person classes sa panahon ng tag-init.
Sinabi ni DepEd Spokesman Michael Poa na ang mga klase ay gaganapin sa ilang partikular na oras kung kailan hindi masyadong mainit ngunit dinadagdagan ng mga Alternative Delivery Mode.
Kung matatandaan, noong Abril 20, naglabas ng paalala ang DepEd sa mga paaralan na pinapayagan silang magsuspinde ng mga klase.
Kabilang na rin ang pagpapatupad ng modular distance learning bilang pagsasaalang-alang sa mga mag-aaral na apektado ng matinding kondisyon ng klima habang sila ay pumapasok sa mga personal na klase.
Muling iginiit ni Poa na ang DepEd regional offices ay naglabas na ng kani-kanilang advisories sa mga usaping may kinalaman sa pagsasagawa ng in-person classes sa panahon ngayong tag-init.