DAVAO CITY – Nagsagawa na ngayon ng settlement sa pagitan ng DepEd official at sa delivery rider na binantaan nitong sasaksakin kung hindi isasauli ang kanyang binayad na pera dahil mali umano ang na-deliver na order nito sa online.
Ayon sa Department of Education Panabo City, magsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon kay Celestino Revamonte, Jr. na una ng nag-trending sa social media at sinasabing principal sa isang public school sa panabo city.
Nilinaw rin ng DepEd-Panabo City na bago lamang na promote si Revamonte at ina-point bilang supervisor sa DepEd Panabo City Division.
Kahit na na-settle na ang dalawang partido, pinayuhan pa rin si Revamonte na bigyang linaw kung bakit niya nagawa ito.
Ipagpapatuloy rin umano ng DepEd ang pagsasgawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente alang sa isusumite na final resulta sa kanilang legal Unit.
Nauna ng lumabas sa initial na imbestigasyon ng ahensiya na hindi lamang napigilan ni Revamonte ang kanyang galit dahilan na binataan nito ang nasabing delivery rider.
Samantalang umaasa ang DepEd na magsilbing leksiyon sa lahat ng guro ang nasabing insidente kung saan sa parehong sitwasyon, manatili lamang na kalmado at solusyonan ang matiwasay ang hindi pagkakaunawan.
Samtang, nanghinaut ang deped nga magsilbi nga maayong panig-ingnan sa tanang mga magtutudlo ang maong panghitabo nga pag-abot sa susamang sitwasyon, kanunay nga ipabilin ang pagmakalmahon ug bugnaw ug sulbaron kini sa malinawong pamaagi.