Nasawi ang isang grade 5 student sa antipolo city matapos umanong sampalin ng kanyang guro.
Ayon sa Ina ng biktima, nagsumbong ang bata na nakakaranas ito ng pangmamaltrato sa eskwelahan, ito ay matapos makaramdam ng pananakit sa tenga dahil sa sampal ng guro.
Ayon pa sa Ina, nagsusuka na ang bata at nawawalan na rin ng balanse kaya dinala na nila ito sa ospital.
Na comatose rin ang biktima pero matapos ang 11 araw ay binawian ito ng buhay. Batay sa record ng ospital nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang bata.
Umaapela naman ang pamilya kay Vice President at Secretary Sara Duterte na sana ay mabigyan ng hustisya ang anak.
Samantala, nag iimbestiga na ang pulisya sa insidente at inihahanda na ng antipolo city police station ang kasong homicide at paglabag sa Republic act 7610 o Anti-Child Abuse law.
Sa inisyal naman na pahayag ng kagawaran ng edukasyon, sinabi ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa, na hinihintay nila ngayon ang report ng principal ng naturang paaralan.