-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Education (DEPED) ang mga pampublikong paaralan sa bansa na apektado ng labis ng init ng panahon na magsagawa ng adjustment ng oras sa pagpasok o ipatupad ang remote learning system.

Ito ang magiging solusyon ng kagawaran imbes na mag-kansela ng pasok tuwing makakaranas ng init ng panahon.

Sa halip ay dapat sundin ng mga paaralan ang mandato ng mga local chief executives sa pagsuspendi ng klase.

Ayon naman kay DepEd Secretary Sonny Angara, na kapag magpatupad ng pagsuspendi ng pasok ay lilipat sa alternative learning performance-based o magsasagawa na lamang ng make-up classes.

Inatasan na rin nito ang mga opisina at paaralan na ihanda ang paggamit ng self-learning modules at Dynamic Learning Program sakaling magpatupad ng alternative delivery mode o ADM.