-- Advertisements --

Nakatakdang tuluyang bawasan ng Department of Education (DepEd) ang paperworks ng mga guro sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, na sa bagong polisiya ng ahensiya ay mababawasan ng 57 percent ang 174 school forms na nakatalaga sa mga guro.

Layon nito ay para mapagaan ang kanilang administrative workload at makatutok sila sa kanilang mga estudyante.

Para matiyak na maipapatupad ito ng tama ay maglalabas ang DepEd ng pormal na department order at magsasagawa rin sila ng orientation sa iba’t-ibang paaralan.