-- Advertisements --
teachers

Plano ngayon ng Department of Education (DepEd) na mabawasan na ang workload ng mga guro sa buong bansa.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ito ay sa pamamagitan na ng pagtanggal sa mga administrative tasks at mabigyan ng work-balancing tool na magagamit nila.

Sinabi ni Poa na layon ng naturang tool na ma-assess ang working hours ng mga guro.

Target naman daw ng DepEd na ilunsad ang naturang tool ngayong school year bilang bahagi ng kanilang “aggressive” move para mabawasan ang workload ng mga guro.

Maliban sa target launch, sinabi ni Poa na ipatutupad din ng DepEd central office ang reduction ng special assignments sa isasagawang events at ire-require ang mga gurong makibahagi rito maging ang mga municipal o provincial events na pangungunahan ng mga local government units.

Determinado rin umano ang DepEd na mag-hire hindi lamang ng mga guro kundi pati mga non-teaching personnel na tutulong sa kasalukuyang workforce ng ahensiya.

Ito ay sa pamamagitan na rin ng budget allocation para sa hiring ng 10,000 teachers sa taong 2023.