Tinatayang aabot sa mahigit ₱222-million ang halaga ng naging pinsala ng Super Typhoon Leon sa sektor ng edukasyon sa bansa.
Ang naturang bilang ay batay sa inilabas na datos ng Department of Education.
Batay sa naging situational report ng ahensya, aabot sa 64 na classrooms ang naitalang totally damage habang pumalo naman sa 125 na classrooms ang naiulat na nagtamo ng partially damage.
Umaabot naman sa ₱160 milyong piso na halaga ng imprastraktura ang kinakailangang sumailalim sa kaukulang pagsasaayos habang aabot naman sa P63M na halaga ng mga classrooms ang kailangan ng Major Repairs.
Naglabas rin ng datos ang DepEd para naman sa mga nasirang learning resources na aabot sa 5,700 at computer sets na umaabot sa 160 dulot pa rin ng naturang bagyo.
Ang naturang bilang ay inaasahang madadagdagan pa dahil sa nagpapatuloy na assessment ng ahensya sa kabuuang danyos ng Super Typhoon Leon.