-- Advertisements --
image 53

Iniulat ng Department of Education na hindi bababa sa 38 paaralan ang napinsala matapos tumama ang magnitude 6 na lindol sa New Bataan, Davao de Oro.

Kabilang sa mga apektadong paaralan ang Sonlon National High School sa Asuncion, Davao del Norte, Alejal Elementary School sa Carmen, Davao del Norte, Toril Elementary School sa Island Garden City of Samal at Montevista National High School sa Davao de Oro.

Naganap ang lindol kamakailan, kung saan ang epicenter ay natunton sa 12 kilometers northeast ng New Bataan.

Dagdag dito, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 882 aftershocks.

Sa mga aftershocks na ito, dalawa lang umano ang naramdaman na may magnitude mula 1.5 hanggang 3.6.

Iniulat naman ng Office of Civil Defense na hindi bababa sa 16 na tao ang nasugatan sa pinsala ng naganap na lindol sa naturang lugar.