Nakatakdang ipakita ng Department of Education (DepEd) ang 2024 Basic Education Report (BER) bago matapos ang buwan.
Inihayag ng DepEd, na pangugunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang 2024 Basic Education Report ngayong taon sa Enero 25.
Sa ikalawang taon nito, ang 2024 Basic Education Report ay inaasahang magtatampok sa mga nagawa ng MATATAG Agenda mula nang ilunsad ito noong Enero 2022.
Noong Enero 30, 2022, ang DepEd, sa pangunguna ni Duterte, ay naghatid ng pinakaunang Basic Education Report upang bigyan ang publiko at mga stakeholder ng edukasyon ng ideya ng kasalukuyang kalagayan ng batayang edukasyon sa Pilipinas at ang direksyon ng kasalukuyang administrasyon tungo sa paglutas ng mga isyung ito.
Sa pamamagitan ng unang Basic Education Report, tinukoy ng DepEd ang mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipinong mag-aaral, guro, at iba pang stakeholder.
Kabilang na dito ang mga pasilidad ng paaralan, curriculum, literacy, at kahirapan sa pag-aaral.
Naging daan din ang Basic Education Report 2023 para sa paglulunsad ng MATATAG Agenda na idinisenyo upang magtakda ng bagong kurso para sa DepEd at sa mga stakeholder nito sa pagtugon sa mga hamon sa pangunahing edukasyon.
Noong Agosto 2023, nang pormal na inihayag ng DepEd ang binagong K to 10 curriculum, pinagtibay nito ang termino at opisyal na pinangalanan ang bagong curriculum na “MATATAG Curriculum.”