Nakatakdang mag-hire ang Department of Education (DepEd) ng 5,000 non-teaching personnel.
Ito ay matapos na aprubahan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman ang hiling ng DepEd na para sa paglikha ng 5,000 non-teaching positions para sa fiscal year 2024.
Ayon sa DBM ang 5,000 non-teaching positions sa DepEd ay Administrative Officer II positions na mayroong Salary Grade 11 o katumbas ng buwanang sahod na pumapalo sa P27,000 hanggang P29,075.
Idedeploy ang mga ito sa School Division Offices at mga paaralan sa buong bansa.
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, layunin ng paglikha ng bagong non-teaching positions para sa Fiscal year 2024 na maibsan ang pasanin ng mga guro sa pagsasagawa ng administrative task dahil sa kawalan ng non-teaching personnel sa mga paaralan at para makapag-pokus ang mga guro sa dekalidad na pagtuturo sa mga mag-aaral.
Sinabi pa ng kalihim na sumasalamin ang naturang hakbang sa commitment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pangkalahatang kapakanan ng mga guro at mag-aaral.