-- Advertisements --

Magtatalaga ang Department of Education (DepEd) ng 15,000 na mga school principal ito’y upang matugunan ang mga bakanteng posisyon sa mga public school sa bansa.

Sa isang pahayag sinabi ng ahensya na ang kanilang commitment na mag deploy ng mga kwalipikadong guro bilang sagot sa kakulangan ng mga principal sa mga pampublikong paaralan ay matutuldukan na.

Maaalalang batay sa year 2 report ng second congressional commission on Education (EDCOM II), binanggit ng DepEd na 55% ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ay kasalukuyang ‘walang principal na dulot aniya ng ilang mga salik kabilang na ang mababang passing rate sa National Qualifying Examination for School Heads (NQESH), mataas na turnover ng mga tauhan, kakulangan ng mga kwalipikadong kandidato, mabigat na mga proseso, at ang kawalan ng maayos na mentoring, coaching, at formal na mga induction programs para sa mga principal.

Upang matugunan ang mga hamong ito inihayag ng DepEd ang ilang mga hakbang na sisimulan nila ang pagde-deploy ngayong 2025.

Dagdag pa rito na mag iisyu ang ahensya ng mga interim guidelines upang matiyak na ang mga principal na itinalaga sa mga opisina ay makakabalik sa kanilang mga itinalagang paaralan upang magampanan ang kanilang mga tungkulin.