-- Advertisements --
sara duterte

Matagumpay na ginunita ng Department of Education ang 2023 International Holocaust Remembrance Day na may temang “Home and Belongings” na ginanap sa Central Office ng ahensya.

Sa isang keynote speech ni Vice President at kasalukuyang Education Secretary Sara Duterte, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pag-alala sa mga mahahalagang kwento at mga aral ng Holocaust upang hindi na ito maulit muli.

Ang International Holocaust Remembrance Day ay isang pang international na araw na kung saan inaalala at ginugunita ang mga naging biktima ng Holocaust na nagresulta sa pagpaslang sa tatlong Jewish kasama ang hindi mabilang na miyembro ng minorya sa pagitan ng taong 1933 at 1945 ng Nazi Germany.

Kadalasan itong ginugunita tuwing Enero 27 dahil ito ang petsa kung kailan ang Auschwitz concentration camp ay tuluyang pinalaya ng Red Army noong 1945.

Inaalala rin sa araw na ito ang pagpaslang sa anim na milyong Hudyo at halos two thirds na populasyon ng Europe Jewish at milyong milyong iba pa ng Nazi Regime.

Pinangunahan ang nasabing programa ng International Cooperation Office at ito ay dinaluhan ng DepEd Executive Committee , United Nations Delegation at iba pang kinatawan.

Ayon sa Department of Education, kailangan ipagpatuloy na isulong ang Holocaust education sa lahat ng paaralan sa bansa upang maitanim sa isipan ng mga mag-aaral na ang pagkakaiba-iba ng bawat isa ay dapat respetuhin at hindi maging mitsa ng anumang karahasan.

Binanggit naman ni education Secretary Sara Duterte ang noo’y Open door policy ng yumaong Pangulong Manuel L. Quezon na naging daan upang makahanap ng pansamantalang kanlungan sa Pilipinas ang libo-libong jewish refugees.

Dagdag pa ng kalihim na ang ginawang ito ni dating Pangulong Quezon ay nagpapakita lamang ng kabutihan ng mga Pilipino.