-- Advertisements --
Nangako ang Department of Education na makikipag-ugnayan sila sa Philippine National Police para sa imbestigasyon ng pagkamatay ng dalawang high school students sa Taguig City noong Biyernes.
Ayon sa Taguig local government, ang mga biktima ay natagpuang walang buhay sa loob ng kanilang eskwelahan sa Signal Village National High School noong biyernes ng gabi.
Sinabi ni DepEd spokesperson Undesecretary Michael Poa na ang Schools Division Office ay nakikipag-ugnayan na sa Scene of the Creime Operations (SOCO) hinggil sa insidente.
Nagpahayag rin ng pakikiramay ang kagawaran sa pamilyang namatayan at inalok ito ng tulong.