-- Advertisements --

Naniniwala ang pamunuan ng Department of Education na mahalaga ang pagbibigay ng suporta sa Early Childhood Care and Development ng mga mag-aaral sa bansa.

Ginawa ni Education Secretary Sonny Angara ang naturang pahayag sa naging pagdalo nito sa World Bank Philippines Economic Update Development Dialogue kamakailan.

Sa mensahe ng kalihim ay ipinaliwanag nito na layon lamang ng suportang ito na matupad ng bawat kabataang Pilipino ang kanilang mga minimithi sa buhay.

Bukod dito ay magkakaroon rin sila ng pagkakataong matuto at lumago para sa ikauunlad ng Pilipinas.

Batay sa datos ng United Nations Children’s Fund, marami pa rin sa mga kabataang Pilipino ang bigong mag-enroll sa early learning programs ng ahensya.

Pinakamalaking bilang ng mga kabataang Pilipino ay nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.