-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga guro na nawalan ng pera dahil sa ilang aberya na agad na magsumbong sa kanilang division offices at sa Land Bank of the Philippines.

Ayon sa DepEd na kanila lamang nalaman sa social media ang pangyayari na may ilang guro ang nawalan ng pera.

Sa pamamagitan rin ng grupong Teacher’s Dignitiy Coalition (TDC) na nagbunyag na maraming mga guro ang nawalan ng nasa P26,000 hanggang P121,000 mula sa kanilang payroll accounts sa nasabing bangko.

Dagdag pa ng DepEd na nakipag-ugnayan na rin sa kanila ang LandBank kung saan tiniyak nila na kanilang tutugunan ang sinasabing unauthorized withdrawal.

Nauna ng itinanggi ng LandBank na mayroon silang kinalaman sa pagkawala ng pera at pinayuhan ang kanilang kliyente na huwag basta magbigay ng kanilang mga personal na impormasyon sa mga nagpapakilalang empleyado nila.