-- Advertisements --

Nanawagan si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa mga guro na magpabakuna laban sa COVID-19.

Tanging mga bakunadong guro lamang kasi ang mga papayagang lumahok sa limited face-to-face classes na magsisimula sa Pebrero 7.

Dagdag pa nito na ang mga guro na may pag-aalinlangan sa mga bakuna ay mayroon silang karapatan subalit hindi sila maaring lumahok sa face-to-face classes.

Napagkasunduan kasi sa Inter-Agency Task Force na tanging mga bakunadong guro ang makikibahagi sa limited face-to-face classes bilang proteksyon na rin ng mga mag-aaral.