Nanawagan ang Department of Education sa mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas na huwag nang gamitin pa bilang mga evacuation centers ang mga pampublikong paaralan sa bansa sa tuwing may panahon ng kalamidad.
Ito ang hiniling ng DepEd sa gitna ng inaasahang papalapit na panahon ng tag-ulan sa mga susunod.
Paliwanag ni Education Undersecretary Michael Poa, malinaw ang posisyon ng kanilang ahensya sa kasagsagan ng naging pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council hinggil sa usapin na ito.
Aniya, layunin ng kanilang kahilingan na tiyaking hindi magagambala ang pag-aaral ng mga estudyante tuwing panahon ng tag-ulan.
Kaugnay nito ay ipinunto rin ni Poa na ang polisiyang ipinatutupad ng DepEd kung saan pinahihintulutan nitong gamitin ng isang LGU ang mga paaralan bilang emergency evacuation centers kung Sa loob lamang ng 15 araw. ‘
Maari kasi aniya na magresulta ito ng learning disruption para sa mga mag-aaral lalo na’t ang mga silid-aralan ang mga pangunahing tinutuluyan ng mag evacuees sa tuwing may kalamidad.
Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan ukol dito gayundin sa mga banta na maaaring idulot ng paparating na panahon ng tag-ulan.