-- Advertisements --

Ipinanawagan ng pamunuan ng Department of Education sa lahat ng mga private financial institutions sa bansa na huwag munang singilin sa mga pagkakautang ang mga guro maging ang iba pang school personnel.

Ito ay dahil sa karamihan sa mga ito ay naapektuhan ng mga magkakasunod na kalamidad.

Sa isang pahayag ay hinikayat ni Education Secretary Sonny Angara na tulungan ang mga guro na makabangon muna mula sa epekto ng bagyo.

Layon ng panawagan na ito ng kalihim na mapagaan ang pasanin ng mga guro.

Nagpadala ito ng liham sa mga financial institutions na kung saan ay hiniling mismo ni Angara ang tatlong buwan na moratorium para sa pagsingil sa kanilang mga nahiram na halaga.

Magsisimula ito sa buwan ng Enero hanggang Marso sa 2025.

Sa ngayon, walang pang tugon ang mga financial institutions sa panawagan ng ahensya.

Kung sakaling pumayag ay maaari na lama na muling magbayad ang mga guro ng kanilang pagkakautang sa buwan ng Abril sa susunod na taon.

Parehong hiling rin ang isininumite ng DepEd para sa pamunuan ng Government Service Insurance System.