-- Advertisements --
Opisyal ng sinuspendi ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pasok sa Metro Manila mula Enero 15-22.
Ang nasabing hakbang ay base na rin sa hirit ng mga guro na magkaroon sila ng health break dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Base sa inilabas na memorandum ng DepEd na babalik ang pasok sa Enero 24.
Nakasaad din dito na ang pag-suspendi ng pasok ay para maibsan ang pangamba ng maraming guro dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Babalik ang asynchronous distance learning modalities mula Enero 24-29.
Habang naka-break aniya ay ipagbabawal ang physical reporting ng mga guro sa kanilang mga paaralan.