-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng Antipas Municipal Police Station sa nangyaring pamamaril sa Purok 2, Brgy. News Pontevedra, Antipas, North Cotabato.
Base sa impormasyon na ipinaabot ng Antipas Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si John Rex Iremedio Daroca, 30, isang administrative assistant ng Department of Education (DepEd)-Cotabato Divison at residente rin ng nasabing probinsya.
Nagpag-alamang nakita na lamang ang bangkay ng biktima sa gilid ng national highway sa nasabing lugar na may tama ng bala sa kanyang katawan na posibleng naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Sa ngayon patuloy pa ring inaalam ng Antipas Municipal Police Station ang motibo sa nasabing krimen.