-- Advertisements --
Bukas umano ang Department of Education (DepEd) sa posibilidad na kanselahin na ang ipinagpalibang Palarong Pambansa 2020 dahil sa banta ng coronavirus sa Pilipinas.
Ayon kay DepEd spokesperson Usec. Annalyn Sevilla, kanila raw itong ipapanukala sa Palaro board sa pamamagitan ng ad referendum.
Ang nasabing lupon ay binubuo ng mga opisyal ng DepEd, chairman ng Philippine Sports Commission, at kalihim ng Department of the Interior and Local Government.
Magugunitang ang Occidental Mindoro sana ang magiging host ng taunang sports meet para sa mga elementary at high school students, ngunit umatras ang lalawigan dahil sa natamong pinsala sa pananalasa ng Bagyong Tisoy.