Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magiging 100% ready na sa susunod na linggo ang lahat ng mga playing venues na gagamitin para sa gaganaping Palarong Pambansa 2019 sa lungsod ng Davao.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni DepEd Undersecretary at Palaro 2019 Secretary-General Revsee Escobedo, halos lahat ng mga venues ay all set na, maliban sa swimming pool sa UP-Mindanao Campus.
Pero ayon kay Escobedo, nangako naman daw sa kanya ang mga contractors na tuluyan na itong makukumpleto sa Abril 22.
Samantala, siniguro naman ng opisyal na mahigpit ang seguridad na ipatutupad sa isang linggong national sports meet na idaraos mula Abril 27 hanggang Mayo 4.
Paliwanag ni Escobedo, pakikilusin din ng local government unit ng Davao City ang militar at pulisya upang magbigay seguridad sa mga atleta, delegado, at mga bisita ng Palaro.