Ngayon pa lang ay nag-anunsyo na ang Department of Education (DepEd) hinggil sa schedule ng papasok na academic year sa pampublikong paaralan.
Batay sa DepEd memorandum na may petsang April 22, inanunsyo ni Education Sec. Leonor Briones ang pagsisimula ng klase sa parehong public elementary at high school sa June 3.
Habang April 3, 2020 naman magsasara ang klase.
Samantala, pinayagan ng kagawaran ang mga pribadong paaralan na hindi sumunod sa memorandum bilang tugon sa batas na nagtatakda sa private schools na magbukas ng kanilang mga klase ng petsa bago matapos ang Agosto.
Ani Briones, posibleng mag-adjust ang kalendaryo ng public schools dahil sa mga holidays.
Nakahanda naman aniya ang mga alternatibong solusyon sakaling maantala muli ang mga klase dahil sa mga inaasahang kalamidad lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Kaugnay nito, hinikayat ng DepEd ang mga paaralan na bumuo ng mga bagong aktibidad at programa na magiging kapaki-pakinabang sa potensyal ng mga mag-aaral.
Ito’y bilang tugon na rin umano sa patuloy na implementasyon ng K to 12 program.
“The conduct of such activities must be agreed upon by the school heads, teachers and concerned parents,†ani Briones.
Nauna ng ipinag-utos ng kalihim ang pagbuo ng Oplan Balik Eskwela (OBE) task force na mangangasiwa sa muling pagbubukas ng klase.
“The OBE is part of the department’s efforts to ensure that learners are properly enrolled and able to attend school on the first day of classes.”