Patuloy na naghahanda ang Department of Education (DepEd) sa posibilidad na gawin nang face-to-face ang pag-aaral sa nalalapit na pasukan.
Sinabi ito ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio matapos na inanunsyo ng kagawaran na sa Setyembre 13, 2021 nakatakdang magbukas ang School Year 2021-2022 matapos itong aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero ayon kay San Antonio, wala pang hiwalay na approval si Pangulong Duterte hinggil sa face-to-face classes.
Gayunman, kahit manatili pa rin sa blended learning system sa nalalapit na pasukan, sinabi ni San Antonio na nagkaroon na sila ng mga adjustments sa ilang concerns sa nakalipas na academic year.
Sa katunayan ay mas mataas na nga aniya ang antas ng kahaandaan ng DepEd sa ngayon.
Samantala, hindi na inaasahan pa ng DepEd na dadami ang bilang ng mga transferees sa mga pampublikong sasakyan lalo pa at nagpatupad na rin ng mga improvements ang private schools sa implementasyon nila ng blended learning.
Para sa mga private school students na hirap na magbayad ng bayarin noong nakaraang taon, sinabi ni San Antonio na nag-aalok na ang pamahalaan ng tulong sa kanila upang sa gayon ay hindi na nila kailangan pang lumipat sa mga pampublikong paaralan.