-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga school officials na huwag ganapin ang mga graduation ceremony sa ilalim ng tirik na araw.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary and Deputy Spokesperson Francis Cesar Bringas, na dapat isaalang-alang ng mga school officials ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro dulot ng matinding init ng panahon.
Sakaling walang mga covered court o mga kahalintulad na lugar kung saan puwedeng ganapin ang mga graduation ceremony ay maari itong ganapin sa mga oras na hindi masyadong mainit mula alas-4 na ng hapon.
Maari ding agahan ng mula ala-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga para hindi pa gaano mainit ang panahon.