Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang paglulunsad ng DepEd Digital Education 2028 o “DepEd DigiEd 2028.”
Ito ay bilang bahagi ng pangako nitong pabilisin ang paghahatid ng mga pasilidad at serbisyo ng pangunahing edukasyon
Ito ang magiging flagship program upang mapakita commitment sa adaptability at technological advancement para sa kagawaran.
Ayon kay VP at Education Secretary Sara Duterte, sa pamamagitan ng DepEd DigiEd 2028, isusulong nito ang full digitization at interconnectivity ng lahat ng tanggapan at paaralan ng DepEd sa buong bansa.
Sinabi ni Duterte na ibibigay ang school-wide wi-fi sa lahat ng paaralan at mga opisina.
Kaugnay nito, sinabi ni Duterte na sinimulan na ng DepEd ang pakikipag-usap sa mga internet provider na may layuning magbigay ng sapat na internet access sa mga guro at mag-aaral sa mga paaralan.
Sinabi ni Duterte na sisikapin din ng DepEd na magbigay ng e-textbooks kasama ng mga tradisyonal na textbook.
Bukod dito, sinabi ni Duterte na gagawing moderno din ng DepEd ang mga assessment system, kabilang ang mga kagamitan at manpower ng departamento.
Una na rito, ang nasabing hakbang ay makakatulong ng lubos sa DepEd na magampanan ang tungkulin nito para sa mga mag-aaral.