Pinaghahanda ng Department of Education (DepEd) ang mga school management sa posibleng epekto ng bagyong Kristine sa mga eskwelahan.
Batay sa inisyal na pagtaya ng DepEd, naaapektuhan na ang mahigit 17,000 eskwelahan sa buong bansa mula nang magsimulang manalasa ang naturang bagyo.
Ang mga ito ay sunod-sunod na nagkansela ng klase kung saan mahigit 7.3 million mag-aaral na ang apektado. Kasama rin sa mga apektado ang mahigit 344,000 guro at mga non-teaching staff.
Ang datus ay mula sa 12 rehiyon sa buong bansa na kinabibilangan ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley Region, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen Region.
Sa kasalukuyan, ilang paaralan na ang nag-ulan na pinasok ng tubig-baha tulad ng mga eskwelahan sa Romblon, Sorsogon, at probinsya ng Leyte.
Dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Kristine, inaasahang magbabago pa ang naturang datus, ayon sa Department of Education.