-- Advertisements --

Pinalawak pa ng Department of Education ang kanilang mga hakbang para palakasin ang kahandaan ng mga paaralan tuwing may kalamidad at emergency.

Binigyang diin ng ahensya ang kalahagahan ng Learning and Service Continuity Plans para mabawasan ang mga sagabal sa paghahatid ng karunungan sa mga mag-aaral.

Batay sa inilabas na DepEd Order No.22 , s. 2024 ng ahensya, nakapaloob dito ang bagong mga panuntunan sa paglalabas ng mga class at work suspension sa mga paaralan tuwing may bagyo, matinding pag-ulan, pagbaha, lindol at iba lang emergency.

Nakapaloob sa naturang pulisiya ang mga pamamaraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro tuwing may kalamidad.

Minamandato ng Learning and Service Continuity Plans sa mga field offices at paaralan na tukuyin ang mga angkop na Alternative Delivery Modes para sa edukasyon upang matiyak na may access ang mga mag-aaral sa edukasyon tuwing may kalamidad.

Kabilang sa mga tinukoy na Alternative Delivery Modes ay modular distance learning, online education, o blended approaches depende pa rin sa partikular na pangangailangan at lokal na kondisyon.