DAVAO CITY – Pinaninindigan ng Department of Education (DepEd-11) na may sapat na basehan ang pagpapasara sa 55 mga paaralan ng Salugpungan na nag-o-operate sa mga bulubundukin na bahagi ng Davao region at sa iba pang lugar sa Mindanao.
Una nang sinabi ni Jenielito Dodong Atillo, tagapagsalita ng DepEd-11, kabilang sa mga basehan sa isinagawang imbestigasyon ay ang pahayag ng mga estudyante kung saan ilan umano sa mga guro ay full time member ng New People’s Army (NPA).
Inihayag din ni Atillo na ilan sa mga paglabag na ginawa ng Salugpungan ay hindi pag-comply ng mga hinihingi na mga rekisitos ng DepEd, ginagamit ang mga bata sa mga rally na walang pahintulot na mga magulang, hindi pasado ang mga guro nito sa LET, pumapasok sa mga ancestral domain na walang pahintulot sa mga lumad at marami pa.
Dagdag pa ni Atillo na nagtuturo rin umano ang Salugpungan ng mga idolohiya na labag sa gobyerno.