-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang masusing imbestigasyon sa reklamong sexual harrasment laban sa isang school principal ng lungsod ng Quezon.

Ayon sa kalihim na gumugulong na ang imbestigasyon mula sa Schools Division Office ng Quezon City.

Agad aniya nilang tutulungan ang mga inabusong biktima kung saa sasailalim sa counseling ang mga ito kasama ang kanilang magulang.

Magugunitang noong Setyembre 29 ay inaresto ang principal dahil sa reklamong pangmomolestiya ng apat na Grade 10 students.