-- Advertisements --

Inatasan na ng Department of Education (DepEd) ang pamunuan ng Bagong Silangan High School sa lungsod ng Quezon na palawakin ang imbestigasyon ukol sa insidente ng pambubully sa isang estudyante.

Mayroon ng inilaang pulong ang DepEd sa Child Protection Committee ng paaralan para marinig ang panig ng mga magulang at mga sangkot na estudyante.

Sinabi ni DepEd Media Relations Chief Dennis Legaspi na hindi papayagan ang anumang uri ng pambubully sa mga paaralan.

Handa umano nilang tulungan ang mga paaralan para mahigpit na maipatupad ang batas ukol sa anti-bullying.

Magugunitang inireklamo ng isang magulang sa nasabing paaralan ang ginawang pambugbog sa kaniyang anak na babae kung saan lagi umano itong binubully.