Plano ng Department of Education na gawing simple ang curriculum para sa mga mag-aaral sa Senior High School.
Sa isang pahayag, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara sa pamamagitan ng hakbang na ito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matututukan ang kanilang mga on-the-job training o work immersion.
Ginawa ng kalihim ang naturang pahayag sa ginanap na 2024 Regional Conference on Educational Planning in Asia.
Paliwanag ni Angara, tututukan ng kanilang ahensya na maihanda ang mga mag-aaral sa ibat-ibang industriya.
Kung sakaling maisasakatuparan ito, aabot na lamang sa lima hanggang anim na subject ang ibigay sa mga mag-aaral sa Senior High.
Pinarerepaso rin ng kalihim ang mga programa ng DepEd lalo na ang English, Science, at Math sa kasalukuyang curriculum.
Samantala, wala pang eksaktong panahon kung kailan ito ipapatupad ng Department of Education.